Paluan, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang Paluan, Occidental Mindoro Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 23 kilometers Northeast ng Paluan dakong 1:06 ng hapon.

99 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensity 2 sa Calatagan, Batangas.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...