Mga Tripulante ng isang bangka sa Navotas, isinalang sa medical screening

Labindalawang crew ng isang bangka na kararating lang sa Navotas Anchorage area ang sumasailalim sa medical screening na pinangungunahan ng PCG Task Force Laban COVID-19 at PNP – Maritime Group.

Galing ang mga ito sa pangingisda sa Palawan noong nakaraang linggo.

Isa sa 12 crew ng motor tanker mula Batangas ang idineklarang person under monitoring (PUM) matapos ang medical screening na isinagawa ng PCG Task Force COVID-19 ngayong umaga, 16 Marso 2020.

Ayon sa PUM, nakararanas na siya ng ubo at sinat simula noong 11 Marso 2020.

Pinayuhan siyang sumailalim sa self-quarantine sa loob ng barko at i-report sakaling makaranas nang pagsama ng pakiramdam sa mga susunod na araw.

Samantala, pinayuhan naman ang mga kasamahan niyang crew na isagawa ang “social distancing” sa barko bilang paglaban sa banta ng COVID-19.

Sa health protocols, kinukunan sila ng body temperature, at inaalam ang overall health nila at kung mayroon silang signs or symptoms ng COVID-19 tulad ng ubo, lagnat, LBM, saka binibigyan ng preventive measures para sa lahat.

Samantala sa ibang coast guard district stations naman, nagsagawa na ng disinfection ang (PCG) Sub-Station Allen sa mga passenger vessels sa Allen Port at Dapdap Port sa Northern Samar ngayong araw, 16 Marso 2020.

Nag-spray ng disinfectant solution sa sahig, dingding, upuan, pintuan, restroom, kusina, at garbage areas ng mga barko bilang panlaban sa banta ng COVID-19.

Sa oras na ito ay mayroon na ring nagaganap na disinfection ang Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Guimaras sa mga pampasaherong barko, bangka, at lifejackets bago at pagkatapos gamitin ng mga pasahero.

Noong nakaraang linggo, naglabas ng direktiba ang PCG ukol sa massive disinfection bilang panlaban sa banta ng COVID-19.

Available rin ang alcohol para masigurong makakapag-sanitize ang mga pasahero at crew buong maghapon.

 

 

Read more...