Mas mahabang proseso na ang pagdadaanan ngayon ng mga empleyado sa Malakanyang.
Ito ay dahil sa lalo pang hinigpitan ng Presidential Security Group (PSG) ang pagpapatupad ng health protocols laban sa COVID-19.
Kung dati-rati ay thermal scanner lamang ang ginagawang pagsusuri ng PSG, obligado na ngayon ang mga empleyado na mag fill-up na ng health declaration
Nakasaad sa form kung may nararamdamang sakit ang isang empleyado gaya halimbawa ng ubo, sipon, lagnat, pamamaga ng lalamunan o hirap sa paghinga.
Nakasaad din sa form kung may travel history ang mga empelyado sa mga bansang may kaso ng COVID-19 sa nakalipas na apat na linggo.
Tinatanong din ng psg kung may nakasalamuha ang mga empleyado na positibo sa COVID-19 o nagtungo sa isang ospital na nakapagtala ng kaso ng COVID-19.
Pagkatapos na masagutan ang form, sasalang naman sa thermal scanning ang sinomang papasok sa gate 2 at kapag nadeterminang umabot sa 38 ang temperature nito ay hindi na ito makakapasok pa.
Kapag mababa naman sa 38 ang temperature, tatatakan na ng “PG cleared” o Presidential Group Cleared ang mga papasok sa Malakanyang.