Short term relief packages sa mga apektadong manggagawa ng community quarantine tinatalakay ng Kamara at DSWD

Nagsasagawa ng pulong liderato ng Kamara kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ilatag ang mga ilang short term relief package para sa mga manggagawang apektado ng Community Quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, pag-aaralan nila ang ilan sa mga ipinatupad nang programa ng pamahalaan upang makatulong sa mga indibidwal na apektado ang trabaho at hanapbuhay dahil sa community quarantine.

Kabilang sa mga programa na maaaring gamitin ay ang Pantawid Pasada Program para sa mga ticycle at jeepney drivers gayundin ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program para sa mga displaced workers.

Nais din ng lider ng kamara na magkaroon ng cash for work program kung saan kapag ang isang indibidwal na siyang bread winner ng pamilya ay magpositibo sa COVID-19 o kailangang sumailalim sa self-quarantine, maaari itong bigyan ng pinansyal na ayuda basta’t mananatili ito sa bahay.

Maaari aniyang illogical ang naturang patakaran ngunit maituturing na extraordinary case ang sitwasyon na nangangailangan din ng extraordinary solution.

Read more...