Globe nagbigay ng 30-araw na extension sa pagbabayad ng bill ng kanilang customers

Mayroong 30 araw o isang buwan na extension ang Globe sa kanilang mga customer para sa pagbabayad ng bill.

Sa abiso ng Globe, mula sa petsa ng due date, mayroong isang buwang extension para bayaran ang bill.

Ito ay para magamit pa rin ng mga customer nila ang internet service lalo at marami ang kinakailangang manatili sa mga bahay at doon magtrabaho.

Maari ding idownload ang GlobeOne app at Globe at Home App para maitrack ang data usage.

 

 

Read more...