Sapat na pondo para respondehan ang COVID-19 tiniyak ni Sen. Bong Go

“Dahil sa sitwasyon ngayon, kailangan nating magkaisa at gawin kaagad ang lahat ng pwedeng gawin para maprotektahan ang kapakanan ng mga Pilipino”

Iyan ang pahayag ni Senador Bong Go, sa harap ng krisis na kinahaharap ng bansa sanhi ng paglaganap ng Coronovirus disease 2019 o COVID-19.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Go na mayroong sapat na pondo ang pamahalaan para tulungan ang Department of Health at iba pang concerned agencies para maagap na makaresponde sa pangangailangan ng mamamayan sa gitna ng hamon ng COVID-19.

“I mentioned last week that PAGCOR can provide an additional P2 billion. P420 million from PCSO will also be allocated based on a proclamation issued by the President. There is also around P539 million in DOH savings and P81 million from the DOH Quick Response Fund that can be utilized. We also have available Contingency Funds and NDRRMC funds as standby sources when needed. Additionally, the declaration of a State of Public Health Emergency allows LGUs to utilize their local disaster risk reduction management funds (LDRRMF) under RA 10121. Furthermore, DOST Secretary Fortunato dela Pena and Presidential Spokesperson Salvador Panelo just issued a Joint Statement that government funds are sufficient for DOH, DOST and UP Manila’s National Institute of Health for the production of the COVID-19 diagnostic kits and that a local private firm is capable of producing bigger quantities of these kits.” pahayag pa ng senador.

Aniya, handa siyang itulak ang special session sa kongreso kung kinakailangan ang supplemental budget.

Sa pagdinig sa Kamara noong March 10, 2020, nabatid na ang pondo na magka kahalaga ng P1.65 billion ay sinertipikan bilang “available” para ipangtustos sa pangangailangan laban sa nakamamatay na sakit.

Aniya, “Congress is currently on Session Break and some of our colleagues are also on self-quarantine. Given the situation now, we should find ways to respond to the needs of our people, especially at this time when decisive government action is needed the most. Hindi pwedeng ipagpaliban ang pagtulong natin sa mga nangangailangan. Now, more than ever, we, as elected officials, must do everything we can to be of service to the Filipino people.”

Para naman sa pribagong sektor, kailangan aniya ngayon ang Magbaynihan.

“I appeal to the private sector—the industry players, business leaders, foundations and the like—to join hands and combine our efforts as we fight COVID-19 as one nation, as one people.”

Narito naman ang apela ni Go sa pribadong sektor:

– Release 13th Month Pay: Kahit prorated lang, malaking tulong na iyan sa ating mga kababayan habang naka-community quarantine.

– Moratorium on Rental Fees for renters and tenants: Ipagpaliban po muna sana ang upa ng mga tindahan pati na rin ang mga stalls na pribadong pagmamay-ari at ng gobyerno.

– One-month reprieve on bills payments from Basic Utility Providers: Gawan po natin ng paraan na mapagaan ang gastusin ng mga mahihirap habang nasa krisis ang buong mundo.

– Big Businesses Should Help Small and Medium Scale Enterprises: Tulungan sana ng mga malalaking kompanya ang mga maliliit na negosyante na hindi mamatay ang kabuhayan nila.

– Impose Work from Home and Flexible Work Schedule: Kung maaari, huwag na natin papasukin ang ating mga empleyado sa opisina lalo na kung kaya naman magampanan ang trabaho nila mula sa bahay sa pamamagitan ng teknolohiya.

– Limit Essential Travels Only and Encourage Everyone to Stay at Home: Ang prayoridad natin ngayon ay ang kaligtasan ng lahat. Magtulungan po tayo na maiwasang mahawaan ng sakit ang ating kapwa.

Kasunod ng mga apila kong ito, nakausap ko si DOF Secretary Carlos Dominguez at magkakaroon daw siya ng meeting kasama ang mga business leaders para mapagusapan ang iba’t ibang mga hakbang na gagawin upang makatulong sila sa mga maliliit na negosyante at mapagaan ang hirap na dulot ng krisis na ito sa mga ordinaryong Pilipino. “

Nagpasalamat naman si Go sa mga nagbigay ng Tulong at donasyon para tugunan ang mga pangangailanagan ng sektor ng medisina lalo na ng mga biktima ng sakit.

Read more...