Outbreak ng bird flu sa Jaen, Nueva Ecija kinumpirma ng DA

Photo grab from PCOO Facebook live video

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon ng outbreak ng bird flu sa ilang bahagi ng Jaen, Nueva Ecija.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, apektado ng H5N6 o bird flu ang Jaen.

Sinabi ni Dar na bilang hakbang, may mga kinatay nang 12,000 noong Sabado.

Taong 2017 pa nang huling magkaroon ng kaso ng H5N6 avian influenza sa bansa.

Ang bird flu outbreak ay kasabay ng paglaban ng bansa sa paglaganap ng kaso ng African swine fever sa mga baboy at paglaban din sa pagkalat ng COVID-19.

 

 

Read more...