Mga may utang na customer ng Maynilad hindi muna puputulan ng suplay ng tubig

Pansamantala muna sususpindihin ng Maynilad ang disconnection sa mga mayroong overdue accounts na kanilang customers.

Ito ay hanggang sa April 14, 2020 kasabay ng pag-iral ng community quarantine sa Metro Manila.

Sa pahayag ng Maynilad layon nitong masiguro na ang lahat ng customers ay may magagamit na tubig, lalo na para sa mga aktibidad na kritikal sa pagpapanatili ng kalusugan at sanitasyon.

Sa mga nais magbayad, maaarig gawin ito sa pamamagitan ng online banking o mobile fund transfer tulad ng PayMaya para hindi na kailanganing umalis ng bahay.

 

 

Read more...