Suspensyon sa pagdaraos ng misa sa Metro Manila pinalawig pa

Kuha ni Richard Garcia

Nagkasundo ang mga obispo sa Metro Manila na palawigin pa hanggang sa April 14 ang suspensyon sa pagdaraos ng mga misa sa parokyang kanilang nasasakupan.

Layon nitong tumugon sa panawagan ng pamahalaan na iwasan muna ang mass gatherings habang tinutugunan ang paglaganap ng COVID-19.

Sa pastoral statement ng Metro Manila Bishops, wala munang idaraos na Banal na Misa hanggang April 14 sa mga diocese ng Maynila, Novaliches, Cubao, Pasig, Kaloocan, Paranaque at maging sa ilang bahagi ng Antipolo, at Malolos.

Kanselado din muna ang pagbibinyag, kumpil, at kasal sa nasabing mga petsa.

Hindi rin bubuksan sa publiko ang liturgical selebrations para sa Palm Sunday, iba pang misa para sa Holy Week kasama ang misa para sa Easter Sunday.

Hindi rin magdaraos ng pagbabasbas ng palaspas, Visita Iglesia, Siete Palabras at iba pang aktibidad para sa Lenten Season.

 

 

Read more...