Total lockdown sa Metro Manila dapat ipatupad ayon kay Rep. Salceda

Kuha ni Erwin Aguilon
Hinimok ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang pamahalaan na magptupad ng total shutdown sa National Capital Region.

Ayon kay Salceda, tatagal lamang ng pitong araw o isang linggo ang kanyang suhestyon.

Kailangan anya na magpatupad ng total work stoppage sa NCR upang mabawasan ang exposure ng publiko sa COVID-19.

Malaking tulong sabi ni Salceda kung mababawasan ang 20 milyong populasyon ng Metro Manila sa araw patungo sa 13 milyon lamang.

Paliwanag ng mambabatas, sa pamamagitan ng pagpapahinto sa trabaho mailalayo sa panganib ang nasa anim na milyong manggagawa.

Bukod dito, nais din ni Salceda na magkaroon ng pagpapahinto sa transportasyon sa Metro Manila maliban na lamang ang mga essential services.

Kung gagawin anya ito ay madaragdagan pa ng tatlong milyong indibidwal ang mailalayo sa panganib ng COVID-19.

Mayroon anyang leakages sa ipinapatupad ngayong community quarantine sa NCR kabilang na rito ang international flights at ang pinakamalaki ay ang pagpapatuloy ng trabaho kung saan marami sa mga manggagawa ay sumasakay sa public transport.

Ito anya ay nagdudulot ng panganib sa mga manggagawa dahil nae-expose sila sa posibleng infection.

Read more...