Pangulong Duterte at inter-agency task force may pulong mamaya; pangulo may mga bagong anunsyo

Photo grab from DOH Facebook video via RTVM
Pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang Inter-Agency Task Force, ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ang pulong ay kaugnay pa rin ng hakbang na ginagawa ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ayon kay Senator Bong Go pagkatapos ng pulong ay may mga bagong iaanunsyo ang pangulo.

Samantala, tiniyak ng Malakanyang na walang nararanasang krisis sa komunikasyon ang pamahalaan sa gitna ng pagbibigay ng impormasyon sa COVID-19.

Pahayag ito ng palasyo kahit na magkaiba ang anunsyo ng MMDA at ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Sa pahayag ng MMDA magpapatupad ng curfew ang Metro Manila mayors ng alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga bagay na tinawag na fake news ni andanar.

Ayon kay Panelo, hindi kasi nakikinig ng mabuti ang taong bayan kung kaya inaakala ng karamihan na may krisis sa komunikasyon.

Ayon kay Panelo, sinabi ng mmda na rekomendasyon pa lamang ang curfew samantalang sinabi ninandanar na walanpang ordinasa dahil wala pa namang inaaprubahan si Pangulong Duterte.

Ang pagkakamali lang aniya ng MMDA ay hindi agad na naipaliwanag na rekomendasyon pa lamang ang napagkasunduan ng Metro Manila mayors.

Sa ngayon, umiiral na ang curfew sa ilang siyudad sa Metro Manila kasabay ng pinaiiral na community quarantine.

Read more...