Ayon sa pamunuan ng Araneta City, bahagi ito ng kanilang suporta sa direktiba ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.
Kabilang sa mga isasara simula sa Lunes, March 16, ang Gateway Mall, Ali Mall, at Farmers Plaza.
“Until further notice” anila epektibo ang pagsasara ng tatlong malls.
Samantala, mananatili namang bukas ang mga grocery store, convenience store, pharmacy, bangko, at maging ang medical at dental clinic.
Bukas din sa publiko ang mga restaurant sa nasabing mall ngunit maaari lamang mag take-out at food delivery.
READ NEXT
Total lockdown sa public transportation sa NCR, dapat pag-aralang mabuti – Speaker Cayetano
MOST READ
LATEST STORIES