Manila City, isinailalim sa state of calamity dahil sa COVID-19

Isinailalim na sa state of calamity ang Lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay bunsod pa rin ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ipinasa ng Manila City Council ang inihaing resolusyon ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pagdedeklara ng state of calamity sa lungsod.

Samantala, nag-negatibo naman sa COVID-19 sina Mayor Isko Moreno, chief of staff nito na si Cesar Chavez at Manila PIO chief Julius Leonen makaraang pumunta sa isang business trip sa United Kingdom.

Read more...