Deadline sa aplikasyon ng licensure exams, pinalawig ng PRC

Pinalawig ng Professional Regulation Commission (PRC) ang deadline sa aplikasyon ng Licensure Examinations.

Kasunod ito ng postponement ng mga nakatakdang licensure exam.

Ayon sa PRC, pinalawig ang lahat ng itinakdang deadline sa aplikasyon para sa exams mula March 16, 2020 hanggang April 14, 2020.

“Until further notice” anila epektibo ang pagpapalawig ng deadline.

Inabisuhan naman ang publiko na antabayan ang kanilang susunod na anunsiyo sa bagong schedule ng deadline sa pamamagitan ng kanilang website at social media accounts.

Read more...