Dahil dito, sinabi ng kagawaran na umabot na sa 11 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa.
Ayon sa DOH, nasawi ang patient number 9 o PH9 na isang 86-anyos na Amerikano bandang 2:42, Sabado ng madaling-araw (March 14).
Ang pasyente ay mula sa Marikina City at mayroong travel history sa Amerika at Korea.
Samantala, nasawi rin ang PH54 na isang 40-anyos na lalaking Filipino mula sa Pasig City.
Sinabi ng kagawaran na nasawi ang pasyente bandang 1:45, Linggo ng madaling-araw (March 15).
Wala itong travel history sa ibang bansa.
Acute Respiratory Distress Syndrome, CAP, High-risk at COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw nito.
Pumanaw din ang PH39 na 64-anyos na lalaking Filipino mula sa Negros Oriental.
Nagkaroon ito ng travel history sa Greenhills at nasawi bandang 11:09, Linggo ng umaga (March 25).