Pero kahit na negatibo sa COVID-19, itutuloy pa rin ni Medialdea ang self-quarantine hanggang sa March 20.
Dumalo si Medialdea kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Transportation Secretary Arthur Tugade, at Public Works Secretary Mark Villar sa road inspection sa North Harbor Link sa Caloocan City kung saan nakasalamuha nila ang isang pasyente na nag-positibo sa COVID-19.
Samantala, sinabi naman ni “Build Build Build” chairperson Anna Mae Lamentillo na negatibo rin sa COVID test si DPWH secretary Mark Villar.
Negatibo rin sa COVID-19 si Finance secretary Sonny Dominguez ayon naman ito kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino.