Kawani ng Kamara na nag-positibo sa COVID-19, pumanaw na

Inquirer file photo

Namatay na ang isang empleydo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay PBA Rep. Jericho Nograles, 1:45, Linggo ng madaling araw nang bawian ng buhay ang kawani ng Printing Services ng Kamara.

Sinasabing mayroon ng dating sakit ng empleyado at noong nakalipas na taon ay naglabas-masok na sa ospital.

Na-confine rin ito kamakailan lamang sa ospital matapos magkaroon ng community-acquired pneumonia.

Wala rin itong travel history sa anumang bansa bukod pa sa walang alam na may COVID-19 positive ang kanyang nakasalamuha.

Read more...