Ayon sa Governor Jonvic Remulla, naka-confine ang ikalawang kaso ng sakit sa isang pribadong ospital sa Silang.
Ang pasyente aniya ay isang medical practitioner.
“The case is apparently a result of community transmission,” ani Remulla.
Dahil dito, dalawa na ang kaso ng COVID-19 sa Cavite.
Nagpaalala naman ang gobernador sa mga residente ng Cavite ukol sa ipinatupad na community quarantine sa Metro Manila.
Kung kailangang pumunta ng Metro Manila, magdala aniya ng mga dokumento para maipakita sa mga itinalagang checkpoint.
Maging handa rin aniya sa posibleng makaranasang delay sa pagpasok at paglabas ng NCR.
Samantala, pinaalalahanan pa ni Remulla ang mga taga-Cavite na mataas ang tsansa na magkaroon ng community transmission.
Dahil dito, manatili na lamang aniya sa kani-kanilang tahanan kung wala namang importanteng lakad.