Sa anunsiyo ng SM Supermalls at Robinsons Malls, ipatutupad nila ang adjusted mall hours mula 11:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi simula sa March 15.
Magsasara naman nang maaga ang Metro Manila Ayala Malls sa araw ng Sabado, March 14, bandang 7:00 ng gabi.
Sinabi ng mga kumpanya na bahagi ito ng kanilang pagtalima sa ipatutupad na curfew ng mga otoridad kasunod ng implementasyon ng community quarantine sa National Capital Region (NCR).
Sinabi rin ng mga kumpanya na layon nitong maprotektahan ang publiko mula sa COVID-19.
Epektibo ang curfew sa Metro Manila tuwing 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw simula March 15 hanggang April 14.
READ NEXT
LTFRB, maglalabas ng special permit sa mga bus kasunod ng pagdami ng pasahero na uuwi sa probinsya
MOST READ
LATEST STORIES