Ayon sa ahensya, ito ay bilang tugon sa biglaang pagdami ng mga pasaherong pauwi ng iba’t ibang probinsya kasunod ng ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila.
Narito ang proseso na kailangang gawin para makakuha ng special permit:
– Magpadala ang operator ng e-mail sa ismd@ltfrb.gov.ph kasama ang specifications ng mga unit at kung saan bibiyahe.
– Kapag lumabas na valid ang unit, magbibigay ng reply e-mail ang LTFRB na matatanggap ng operator. Maaari anila itong gamitin ilang Special Permit to Operate.
Sinabi ng LTFRB na epektibo ang special permit hanggang sa araw ng Martes, March 17.
Ipatutupad ang community quarantine sa Metro Manila simula sa March 15 hanggang April 14.