BREAKING: DOH, kinumpirma ang dalawa pang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang dalawa pang nasawi sa bansa bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng DOH, maliban pa ito sa unang naiulat na nasawing pasyente, Sabado ng umaga.

Dahil dito, nasa walo na ang kabuuang bilang ng nasawing COVID-19 patients sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na kabilang na sa datos ang inanunsiyo ng Our Lady of Mt. Carmel Medical Center sa San Fernando, Pampanga.

Patuloy pa ang pagkalap ng DOH ng datos ukol sa dalawa pang nasawing pasyente.

Read more...