Curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, ipatutupad sa buong Metro Manila

Magpapatupad ng curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga sa buong Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa isang press conference, sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na ipatutupad ang curfew simula sa araw ng Linggo, March 15, hanggang sa April 14.

Paliwanag ni Garcia, layon lamang ng direktiba na maproteksyunan ang lahat upang hindi kumalat ang Coronavirus Disease (COVID-19).

Ang ipatutupad na curfew ay epektibo sa non-essential work.

Nilinaw naman ni DILG Secretary Eduardo Año na hindi kasama sa curfew ang mga nagtatrabaho at bibili ng mga pagkain.

Kung walang importanteng pakay o dahilan ng paglabas, sinabi ng kalihim na manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan.

Hinikayat naman ni Año ang mga employer na magpatupad ng flexible work arrangment para sa mga empleyado.

Inabisuhan din nito ang lahat sa Metro Manila na mag-self quarantine.

Koordinasyon aniya ang kailangan sa panahon ngayon para maiwasan ang paglaganap ng sakit.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 64 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read more...