Golden State Warriors, pinarangalan ni Pres. Obama

Obama ang Golden State Warriors
Mula sa Facebook page ng The White House

Tumungo ang NBA defensing champions na Golden State Warriors sa White House para bisitahin si US President Barack Obama.

Sa isang espesyal na seremonya, kinilala at pinarangalan ni Obama ang kagalingan at pagkapanalo ng Warriors.

Ngunit, hindi pinalampas ni Obama ang pagkakataon para biruin at kantyawan ang Warriors, nang ipilit niya pa rin na ang paborito niyang koponan na Chicago Bulls ang nananatiling pinakamagaling na team sa NBA.

Biro ni Obama, isang karangalan ang makasama ang pinakamagaling na team sa kasaysayan ng NBA, at maswerte siya na ang isa sa kanilang mga manlalaro ay naroon, at tinukoy niya si Steve Kerr ng 1995 to 1996 Chicago Bulls.

Si Steve Kerr ang head coach ngayon ng Golden State Warriors.

Nagtawanan ang mga Warriors at iba pang mga naroon dahil sa pagpapakita ni Obama ng loyalty sa kaniyang paboritong Chicago Bulls.

Bukod dito, ginaya niya pa ang madalas na pagtalun-talon ni Stephen Curry tuwing nakakapuntos.

Sa kabuuan ay naging masaya ang pagbisita ng Warriors sa White House dahil sa natural na pagiging mabiro ni Obama, at tila sinulit na niya ang huling pagkakataon niya na ma-congratulate ang NBA championship team.

Read more...