Bilang ng nasawi sa Pilipinas dahil sa COVID-19, umabot na sa 6 – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagkasawi ng isa pang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa anim ang kabuuang bilang ng nasawing COVID-19 patient sa Pilipinas.

Ayon sa kagawaran, nasawi ang patient number 40 o PH40 noong Biyernes ng gabi, March 13.

Ang ikinasawi nito ay Acute Respiratory Distress Syndrome bunsod ng Severe Pneumonia at Acute Kidney Injury.

Unang na-confine ang pasyente sa Northern Mindanao Medical Center noong March 3 matapos makaranas ng mga sintomas noong February 24.

Read more...