Bani, Pangasinan niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Bani, Pangasinan Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 5 kilometers Northeast ng Bani dakong 8:13 ng umaga.

25 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naitala ang intensity 3 sa Alaminos City.

Naramdaman din ang instrumental intensity 2 sa Dagupan City.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...