Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales ito ay dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Montales, base sa desisyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano magkakaroon pa rin naman ng rotating skeletal workforce sa ilang tanggapan ng kamara sa kasagsagan ng suspensyon.
Kabilang dito ang Office of the Sergeant at Arms – Legislative Security Bureau, Finance Department, Engineering and Physical Facilities Department, at ang Information Communications Technology Service.
Ang mga hindi naman bahagi ng skeletal workforce ay sasailaim sa work from home scheme gamit ang telecommunication at online technologies.
MOST READ
LATEST STORIES