Bangkay ng tatlong miyembro ng BIFF natagpuan sa Maguindanao

Na-recover ng mga sundalo ang bangkay ng tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Ampatuan, Maguindano.

Ang katawan ng mga rebelde ay nakita sa Brgy. Salman ng mga tauhan ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army.

Nakuha din sa lugar ang isang anti-personnel mine, generator set, water pump at personal na gamit ng mga rebelde.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong rebelde.

“This is how heartless the terrorists are; they just leave their slain comrades behind,” ayon kay Col. Jose Narciso, commander ng 601st Infantry Brigade.

Sinabi ni Narciso na magpapatuloy ang kanilang operasyon para matugis ang mga tauhan ng BIFF.

Read more...