Carpooling service sinuspinde muna ng Grab

Hindi muna ipatutupad ng ride-hailing giant na Grab ang kanilang carpooling service.

Sa pahayag ng Grab, suspendido na ang kanilang GrabShare services mula alas 12:00 ng tanghali ng Biyernes (March 13).

Ito ay para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng iba pang serbisyo ng Grab habang hinihintay ang guidelines na ilalabas ng LTFRB.

Kabilang sa tuloy ang operasyon ay ang kanilang GrabCar, GrabFood, GrabExpress, at GrabPay.

Read more...