Ayon kay Belmonte, ito ay kasunod ng pagdedeklara ng state of public health emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mayroon nang 6 na kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Nanawagan si Belmonte sa mga magulang at sa mga opisyal ng barangay na panatilihing ligtas sa tahanan ang mga bata.
Pinababantayan din ang mga public space kabilang ang mga mall, computer shops at community spaces.
Sa pribadong sektor, hiniling ni Belmonte na mabantayan ang kalusugan ng kanilang mga manggagawa at ikunsidera ang pagpapatupad ng flexible work arrangements.
Sa mga may-ari ng establisyimento, hinimok ni Belmonte ang regular na pagsasagawa ng sanitation.
Sa mga residente naman, kung may mahalaga talagang lakad at kailangang lumabas, kailangang iobserve ang social distancing.
Sa mga may concern, maaring tumawag sa City Hotline number 122 at iba pang government hotlines.