Mga susuway sa community quarantine sa NCR aarestuhin ayon sa NCRPO

Aarestuhin ng mga pulis ang mga susuway sa ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila.

Pahayag ito ni National Capital Region Police Office director, Police Maj. Gen. Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, ang aarestuhin ay ang mga maituturing na “unruly violators”.

Tukoy na ng NCPRO kung saan-saan magtatalaga ng checkpoints ang pulisya.

Kailangan na lamang itong aprubahan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Read more...