Ito ang pagtitiyak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III at aniya, magtutuloy-tuloy ang trabaho sa Senado bagamat sasailalim ang Metro Manila sa ‘community quarantine’ na inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit ayon kay Sotto, ipapatupad nila ang ‘skeletal schedule’ sa kanilang mga empleyado at aniya, mahigpit silang susunod na mga itinakdang precautionary measures para manatiling COVID-19 free ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ipinag-utos ng senador sa mga department head na tiyakin na magtuluy-tuloy ang kanilang operasyon at matatapos sa takdang oras maging ang mga nakabinbin na trabaho.
Samantala, ipinasakamay na ni Sotto sa mga kapwa senador ang pagpapatupad ng karagdagan pang safety measures sa kani-kanilang opisina.
Paalala lang niya sa mga senador na hindi na muna magtatakda ng committee hearings hanggang hindi binabawi ang restrictions sa Metro Manila.
Sa ngayon ay naka-summer break ang Senado at ito ay hanggang sa Mayo 4.