Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, handa ang SSS na agad maglabas ng P660 milyon kung aabot sa 60,000 ang mawawalan ng trabaho at aniya ang bawat miyembro ay tatanggap ng P11,000.
Ngunit kung hihingiin ng miyembro ang maximum cash benefit, ito ay aabot sa P20,000 kayat ang halaga na maaring ilabas ng SSS ay P1.2 bilyon.
Sa pagtataya, kung tatagal ang sitwasyon dahil sa COVID-19 hanggang sa Hunyo, 30,000 hanggang 60,000 manggagawa o empleyado ang mawawalan ng trabaho bunga ng mga gagawing hakbang ng mga kumpanya para maibsan ang kanilang pagkalugi.