Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Gobert na halu-halong emosyon ang kaniyang pinadaanan nang lumabas ang resulta na siya ay positibo sa sakit. Kabilang dito ang takot, anxiety at kahihiyan.
Humingi siya ng paumanhin lalo na sa mga taong maaring naging delikado dahil sa kaniyang ginawa.
Ayon kay Gobert naging careless siya sa kaniyang ginawa.
Una nang napaulat na sinadya pang hawakan ni Gobert ang mikropono at voice recorders sa isang press conference.
Nagbiro din si Gobert sa locker room nang hawakan ang mga kapwa niya manlalaro at kanilang mga gamit.
“The first and most important thing is I would like to publicly apologize to the people that I may have endangered. At the time, I had no idea I was even infected. I was careless and make no excuse. I hope my story serves as a warning and causes everyone to take this seriously,” ayon kay Gobert.
Sa ngayon ay nagpapagaling na si Gobert at positibo aniya siya ay makakarecover sa sakit.
Hinimok din niya ang lahat na maging ligtas at pangalagaan ang kalusugan.