Canadian PM Justin Trudeau naka self-quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang kaniyang asawa

Nagpositibo sa COVID-19 ang asawa ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Kauuwi lamang ng Canada ni Sophie Gregoire-Trudeau galing sa isang speaking engagement sa Britain.

Mild na sintomas lamang ang naranasan niya pero nang magpapasailalim ito sa COVID-19 test ay positibo ang resulta.

Nagpasya naman si Prime Minister Trudeau na magpasailalim na rin sa self-isolation.

Kinansela na ng prime minister ang mga nakatakda niyang schedule kabilang ang pulong sa provincial at territorial leaders ng Canada na dapat ay gagawin sa Ottawa.

 

 

Read more...