Global death toll sa COVID-19 4,972 na; nasawi sa Italy umabot na sa 1,016

Nakapagtala ng 189 na panibagong bilang ng nasawi sa Italy sa nakalipas na magdamag dahil sa COVID-19.

Dahil dito umabot na sa 1,016 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Italy.

Mayroon namang 15,113 na kaso ng COVID-19 sa Italya.

Samantala, sa Iran, lumobo na sa 10,075 ang naitalang kaso makaraang makapagtala ng mahigit 1,000 panibagong kaso sa magdamag.

Umabot naman na sa 429 ang nasawi sa Iran, 75 ay bagong nasawi sa magdamag.

Sa ngayon ay nasa 4,972 ang global death toll dahil sa COVID-19 kabilang ang limang nasawi mula sa Pilipinas.

Umabot naman na sa mahigit 134,000 ang bilang ng tinatamaan nito.

 

 

Read more...