Filipino Diplomat sa UN nag-positibo sa COVID-19 sa New York

Isang babaeng diplomat sa United Nations at mula sa Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Philippines acting UN Ambassador Kira Azucena, naka-lockdown na ang Philippine Mission sa New York na mayroong 12 diplomats ang naka-lockdown na.

Lahat ng tauhan ay pinayuhang magsailalim sa self-quarantine at agad magpatingin sa doktor kapag sila ay nakaranas ng sintomas.

Ang Philippine Mission headquarters sa New York ay matatagpuan sa 5th Avenue sa Midtown Manhattan.

Ang babaeng diplomat ay kumakatawan sa Pilipinas sa legal affairs committees ng UN General Assembly.

Noong Martes siya unang nakaranas ng flu-like symptoms at ngayong araw nakumpirmang positibo siya sa COVID-19.

 

 

Read more...