Ito ay makaraang makapagtala na ng tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cainta.
Ayon kay Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto, ang kaso ay sa Barangay San Isidro, at San Andres at dalawa sa mga pasyente ang pumanaw na.
Sinabi ni Nieto na sisimulan ang pag-iral ng community quarantine sa Cainta sa March 15 na kasabay ng pag-iral din sa Metro Manila.
“Pursuant to the President’s pronouncements, documented in an inter-agency resolution involving COVID19…I am constrained to place the entire town of Cainta under quarantine,” ayon kay Nieto.
Sa ilalim ng initial guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force ng pamahalaan ay ang munisipalidad o lungsod na makapagtatala ng 2 o higit pang kaso ng COVID-19 ay dapat nang magpatupad ng community quarantine.