Ayon kay Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, magtutuloy-tuloy ang pagdating ng mga produkto sa Metro Manila para matiyak ang stable na suplay lalo na ng pagkain.
Maglalabas ng guidelines ang pamahalaan na susundin ng mga mga driver a delivery personnel sa pagbiyahe ng mga produkto.
Samantala, sinabi ni Castelo na hihilingin nia sa mga pamilihan na magpatupad ng social distancing sa kanilang mga establisyimento.
Una nang sinabi ng DTI na inabisuhan na nila ang mga supermarket at grocery na limitahan lang sa dalawang bote ang alcohol na pwedeng bilhin ng bawat mamimili para maiwasan ang hoarding.