Ayon sa papal vicar for Rome bubuksan na lamang muli ang mga simbahan sa Roma kapag napaso na sa April 3 ang ipinatutupad na crackdown ng Italian government sa public gatherings.
Mayroong mahigit 900 parochial at historic churches sa Rome.
Ayon sa pahayag ng Vatican, exempted ang mga mananampalataya sa kanilang obligasyon na dumali sa misa.
Wala na muna kasong idaraos na mga misa at maging ang mga naka-schedule na kasal ay hindi na muna matutuloy.
Kung mayroon namang nais bumisita sa mga simbahan, maari pa rin itong gawin, pero kailangang sundin ng publiko ang guidelines three feet apart sa isa’t isa.
READ NEXT
PAL nag-abiso ng rebooking at refund process sa mga pasahero sa gitna ng community quarantine sa Metro Manila
MOST READ
LATEST STORIES