Pagsasara ng pinto ng Metro Manila, over reaction – Sen. Sotto

Matindi ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa kung ‘isasara’ ang pinto ng Metro Manila.

Ito ang paniniwala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kayat aniya makakabuti kung ‘containment’ at hindi ‘lockdown’ ang ipapatupad.

“Preventing travel to and from Metro Manila with only 52 cases at this point is a textbook case of overreaction. This drastic measure will only result in panic and hoarding of good,” ayon kay Sotto.

Diin nito, ang lubos na maapektuhan ay ang mga mahihirap na naghahanap ng ipambibili ng kanilang pang araw-araw na pagkain lalo na kung magkakaroon ng kakulangan ng suplay.

Aniya, ang pagpapatupad ng ‘lockdown’ ay dapat ang huling baraha na ng gobyerno sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19.

“The time is not ripe for placing entire communities, cities, and provinces under lockdown. Lockdown should be the last resort,” sambit pa ng senador.

Pangamba ni Sotto, babagal kung hindi man titigil ang galaw ng komersyo dahil maapektuhan ang pagpasok at paglabas ng mga tao at bagay sa Metro Manila.

Makakabuti aniya kung magpapatupad na lang ng mahigpit na pagbabantay sa mga lubhang apektadong lugar, kung aabot sa matinding sitwasyon.

Read more...