Sa inilabas na pahayag ng DOH, nasawi ang patient numbers 6, 7 at 37.
Dahil dito, umabot na sa lima ang death toll ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa kagawaran, na-admit ang PH6 sa Cardinal Santos Medical Center noong March 5 at kalaunan ay inilipat sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Nahirapan anilang makahinga ang PH6 at na-intubate noong Miyerkules ng gabi, March 11.
Acute respiratory distress syndrome ang ikinasawi ng pasyente bunsod ng severe pneumonia. Kilalang diabetic din ang pasyente.
Samantala, nasawi ang PH5, asawa ng PH6, noong March 11 dahil sa acute respiratory distress syndrome bunsod ng severe pneumonia.
“PH5 is a known Diabetic and Hypertensive who developed Acute Kidney Injury,” dagdag ng DOH.
Na-confine naman ang PH37 sa Philippine Heart Center noong March 6 makaraang makaranas ng sintomas sa sakit noong February 28.
Sinabi ng kagawaran na nasawi ang pasyente, Huwebes ng hapon, dahil sa Acute Respiratory Failure.