Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa Pampanga, kinumpirmang may naka-admit na dalawang COVID-19 positive patients

Kinumpirma ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH) sa San Fernando, Pampanga na naka-admit sa ospital ang dalawang pasyente na positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng ospital na maliban dito ay mayroon ding nananatiling limang ‘patients under investigation’ (PUI) sa ospital.

Tiniyak naman ng ospital sa publiko sa patuloy ang pagpapatupad ng protocols at infection control guidelines para protektahan ang kanilang mga pasyente at healthcare worker.

Inabisuhan din ang publiko ukol sa pagpapatupad ng pinaigting na surveillance mechanisms at istriktong temperature at symptom monitoring sa lahat ng indibidwal na pumapasok sa ospital.

“The hospital wil strictly implement a one patient, one watcher, one visitor policy. A shortened visitation hour is also being imposed (3:00PM to 4:00PM),” ayon pa sa ospital.

Read more...