Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Parañaque City

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Parañaque City, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog sa bahagi ng El Dorado Dulo sa bahagi ng Barangay Don Bosco bandang 3:48 ng hapon.

Naging mabilis ang pagtaas ng alerto ng BFP sa sunog.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog bandang 4:36 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam kung ano ang sanhi at kung magkano ang halaga ng pinsala sa lugar.

Read more...