Rosario, Agusan Del Sur niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Rosario, Agusan Del Sur Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 10 kilometers Northeast ng Rosario bandang 6:44 ng gabi.

12 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...