Operasyon ng MARINA, pansamantalang sinuspinde sa March 13

Pansamantalang sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang kanilang operasyon sa Biyernes, March 13.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ng State of Public Health Emergency sa bansa bunsos ng Coronavirus Disease (COVID-19) outbreak.

Layon nitong magsagawa ng disinfection sa tanggapan ng MARINA.

Kaparehong hakbang ang ipatutupad sa MARINA Regional Offices, Satellite Offices (SM Manila, SM Mall of Asia, at POEA), at PITX One-Stop Shop para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga kliyente at tauhan.

Sa abiso pa ng MARINA, lahat ng aplikasyon para sa seafarers at shipping at tatanggapin pa rin at ma-eevaluate via online.

Read more...