Dalawa pang Filipino sa Hong Kong, nakarekober na sa COVID-19

Nakarekober na sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang dalawa pang Filipino sa Hong Kong.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, maituturing nang COVID-19 free ang dalawang Filipino at nailabas na ng ospital, araw ng Huwebes (March 12).

Sa ngayon, sinabi ng konsulado na dalawang Filipino COVID-19 positive patients na lang ang nananatili sa ospital.

“On the other hand two (2) Filipinos were placed in quarantine after having been contact traced to COVID positive individuals,” dagdag ng konsulado.

Dahil dito, nasa anim na anila ang kabuuang bilang ng mga Filipino sa Hong Kong na isinailalim sa quarantine.

Lahat naman ng binabantayang Filipino ay nananatiling asymptomatic.

Tiniyak din ng konsulado na patuloy ang kanilang pagbibigay ng mga kinakailangang tulong.

Read more...