Pasok sa LGU offices sa San Juan, kinansela sa March 13 para sa sanitation

Kinansela ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pasok sa local government unit (LGU) offices sa lungsod sa Biyernes, March 13.

Ayon sa alkalde, ito ay para mabigyan ng pagkakataon na makapagsagawa ng sanitation at disinfection bilang precautionary measure sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa lungsod.

Kabilang din aniya rito ang mga pampublikong paaralan, headquarters ng San Juan PNP, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sinabi ni Zamora na magpapatuloy ang sanitation procedure hanggang sa darating na weekend.

Samantala, hindi naman kabilang sa suspensiyon ng pasok ang City Health, CDRRMO at iba pang critical service providers ng lokal na pamahalaan.

Nananatili aniyang prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga residente ng lungsod.

“We have to do everything we can and however we can to serve our constituents better especially at times like this,” ayon pa sa alkalde.

Sa huling tala ng pamahalaang lokal ng San Juan hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (March 11), nasa walo na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Read more...