Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PRC na ito ay kasunod ng pagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa nagpapatuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Pinagbatayan din anila ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na iwasan ang mass gatherings.
Ayon sa PRC, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga examinee at empleyado ng ahensya.
Narito ang mga eksaminasyon na kinansela ng PRC:
– Qualifying Assessment for Foreign Medical Professionals (March 14, 2020)
– Physician Licensure Examination (March 15-16, 2020)
– Medical Technologists Licensure Examination (March 18-19, 2020)
– Licensure Examination for Professional Teachers (March 29, 2020)
– Licensure Examination for Electronic Engineers and Electronic Technicians (April1-3, 2020)
– Licensure Examination for Midwives (April 5-6, 2020)
– Licensure Examination for Registered Electrical Engineers and Registered Master Electricians (April 14-16, 2020)
– Licensure Examination for Pharmacists (April 26-27, 2020)
Sinabi ng PRC na antabayan ang kanilang susunod na anunsiyo kung kailangan ire-reschedule ang mga apektadong licensure exam sa pamamagitan ng kanilang website at social media accounts.