Rockwell Land Corporation, kinumpirma na dalawang residente ng isang condo ang nag-positibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Rockwell Land Corporation na dalawang residente ng isang condominium sa Makati City ang nag-positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kumpanya na residente ang dalawang pasyente ay residente ng Joya North Tower sa Rockwell Center.

Isa sa mga pasyente ay nasa pangangalaga na ng ospital habang ang dalawang kaanak nito ay nakasailalim sa self-quarantine.

Kasunod nito, magkakasa anila ng disinfection sa lugar kabilang ang common areas tulad ng lobbies, elevators at parking areas.

“As our priority is the community’s health and well-being, we have implemented measures meant to help prevent risks of inadvertent infection, including closure of some public areas,” ayon sa kumpanya.

Sinabi pa ng kumpanya na nakikipag-ugnayan na sila sa mga posibleng nagkaroon ng contact sa dalawang COVID-19 patients.

“We encourage everyone to do their part in being conscious of possible exposure every time we meet people and go to public spaces,” dagdag ng kumpanya.

Read more...