Pangulong Duterte, may public address ukol sa COVID-19 mamayang gabi

Presidential photo

Magkakaroon ng public address si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang, Huwebes ng gabi (March 12).

Ito ay may kaugnayan sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ilalabas ang public address sa lahat ng government radio at television station kabilang ang official social media account ng pamahalaan.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na mayroong irerekomendang resolusyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pangulo kung paano maco-contain ang implementasyon ng measures para maagapan ang paglaganap ng sakit.

Ang nag-propose aniya ng rekomendasyon ang Technical Advisory Group sa pinamumunuan ni Dr. Edsel Salvana.

Nasa tanggapan na ni Pangulong Duterte ang laman ng resolusyon at inaasahang iaanunsiyo ito sa Huwebes ng gabi (March 12).

Read more...